Mga payo para sa mga baklaang mahilig humopia !
1. Huwag mag-assume.
- minsan kasi, tayong mga bakla assumera din eh yung tipong akala natin mahal na tayo ng mga lalaki pero yun, hindi naman pala.
2. Mag-isip muna.
- may mga bagay kasi na ginagawa ang mga lalaki na akala natin ay yun na yung tipong akala mo nagbibigay motibo sila para ikaw ang gumawa ng first move. Pero tandaan ! mag-isip muna bago gumawa ng mga hakbang at baka sa huli ay pagsisihan mo yan.
3. Wag magpapauto.
- kasi tayong mga bakla, alam ng mga lalaki ang kahinaan natin kaya kung minsan ay sinasamantala nila ito at nauuwi sa pag-asa. Kaya kung ikaw bakla ka, wag kang magpapauto sa mga bagay na sinasabi at ikinikilos nila kasi alam nila ang ikot ng sikmura mo at alam din nila ang kahinaan mo.
4. Mag-hintay.
- yan, ang bagay na minsan ay hindi natin kayang magawa. Alam naman kasi natin na hindi tayo gusto ng mga lalaki kaya ang resulta ay pinapagasan natin sila para mahalin nila tayo. Alam niyo mga bakla, may taong nakalaaan para sa atin kaya huwag natin madaliin ang pag-ibig kasi kapag minadali natin ito ay mas lalo itong matagal dumating sa atin.
5. WAG UMASA.
- oh mga bakla naka-caps lock para damang dama. Pinaka matindi sa lahat, sapagkat alam naman natin na lagi tayong asado pagdating sa pag-ibig. Yung tipong akala mo yun na pero hindi pa pala para ka na ring assumera kumbaga. Pero hindi, MAS MALALA ito mga bading. Para bang ibinigay mo na ang lahat akala mo mapapasaiyo na pero sa bandang huli ... WALA NAMAN PALA.